Mga magtatapos sa elementary at high school sa public schools sa Marikina City, walang babayarang graduation fee

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magandang balita para sa mga magulang at mag-aaral sa Lungsod ng Marikina.

Inanunsyo ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na walang babayarang graduation fee ang lahat ng magtatapos sa elementary at high school sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Bukod sa libreng graduation fee, libre rin ang toga rental at graduation photo para sa lahat ng magsisipagtapos ngayong taon.

Layon ng programang ito na gawing mas espesyal at hindi malilimutanang araw ang pagtatapos ng mga mag-aaral.

Ayon kay Mayor Teodoro, mahalagang araw ang graduation para sa bawat magulang at mag-aaral. Kaya’t sinisigurado ng lokal na pamahalaan na lahat ng magsisipagtapos ay aakyat sa entablado nang walang hadlang.

Nagpaabot naman ng pagbati ang alkalde sa mga mag-aaral na magtatapos ngayong class 2024. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us