Mga miyembro ng transport coop sa Caloocan, makatatanggap ng dagdag suporta sa LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

May dagdag kita ang mga jeepney driver na miyembro ng kooperatiba sa lungsod ng Caloocan.

Kasunod ito ng paglagda sa Memorandum of Agreement para sa Service Contracting Program katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) National Capital Region.

Pinangunahan nina Caloocan Mayor Along Malapitan ang paglagda ng kasunduan kasama si LTFRB NCR Regional Director Atty. Zona Russet Tamayo.

Sa ilalim ng kasunduang ito, lahat ng mga miyembro ng mga kooperatiba ay makatatanggap ng karagdagang ₱20 sa bawat kilometro na tatakbuhin ng kanilang jeep na alinsunod sa kanilang ruta o linya.

Ayon kay Mayor Along Malapitan, sa isang araw ay umaabot sa 100 hanggang 120 kilometro ang tinatakbo ng isang jeep kaya kung susumahin, karagdagang ₱2,000 hanggang ₱2,400 kita ito para sa kanila sa bawat araw.

Kasabay nito, pinangunahan ng alkalde ang panunumpa sa katungkulan ng samahang North Caloocan Transportation Federation na binubuo ng mga presidente ng iba’t ibang JODA sa Caloocan.

Tiniyak naman ng LGU ang patuloy na suporta ng kasama ang Public Safety and Traffic Management Department sa naturang sektor. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us