Ipatutupad na rin simula bukas, May 2 ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang modified work schedule sa mga tanggapan sa Quezon City Hall.
Sa ilalim nito, magiging bukas ang mga tanggapan mula 7:00 AM hanggang 5:00 PM.
Alinsunod na rin ito sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 24-08, s. 2024, kung saan may mga kawaning papasok ng 7:00 AM upang makatulong sa pagpapagaan ng trapiko sa Metro Manila.
Magtatalaga naman ng ilang tauhan ang Quezon City Government para sa iba pang transaksyon hanggang 5:00 PM.
Tuloy rin ang kasalukuyang work schedule ng mga tanggapan na naghahatid ng essential services (health services, frontline services, social services, teaching personnel, traffic management, disaster and emergency response). | ulat ni Merry Ann Bastasa