Inanunsyo ng Muntinlupa LGU sa pangunguna ng Schools Division Office (SDO) nito na ipauubaya nito sa mga principal ng mga pampublikong eskwelahan kung anong learning modality ang ipatutupad nito sa klase simula bukas, araw ng Lunes, May 20 hanggang 25.
Ayon sa inilabas na public advisory ng SDO-Muntinlupa, nasa discretion at instructions ng public school principals ng Kindergarten hanggang Grade 12 at Alternative Learning System (ALS) ang ipatutupad na learning modality para sa parating na linggo.
Hinikayat din nito ang pakikipag-ugnayan sa mga principals o guro kaugnay sa schedule ng klase sa mga paaralan sa lungsod.
Para naman sa mga private schools sa Muntinlupa, nasa discretion naman ng mga private school heads ang iparutupad na learning modality sa klase. | ulat ni EJ Lazaro