Ikakasa ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang libreng bakuna kontra pneumonia para sa mga residente nitong senior citizen sa iba’t ibang barangay sa lungsod ngayong buwan ng Mayo.
Isasagawa ang unang bakunahan sa Mary Mother of God Parish, sa barangay Bayanan sa Mayo 7 kung saan may 100 slots na ilalaan ang pamahalaang lungsod.
Susundan naman ito sa May 14, sa Bliss Covered Court sa Barangay Putatan, na may 200 slots; May 21 sa OSCA Muntinlupa Center sa Barangay Bayanan na may 200 ding slots, at sa May 28 sa Putatan Barangay Court na may 100 slots.
Pinaalalahan din ang lahat na ito ay para lamang sa mga residente ng Muntilupa at na ang isasagawang bakunahan ay first come, first serve basis. Huwag ding kakalimutang dalhin ang mga OSCA ID.
Kung sakaling inuubo, may sipon, lagnat, sore throat, o iba pang sintomas ng trangkaso ay hindi tatanggapin upang mabakunahan o ‘di naman kaya ay nakatanggap na ng pneumonia vaccine noon o tumanggap na nito sa nakaraang limang taon.
Kung nakatanggap din ng ibang bakuna sa loob ng dalawang linggo ay hindi rin tatanggapin kasama ng mga kasalukuyang umiinom ng antibacterial o steroids. | ulat ni EJ Lazaro