Kinumpirmang natagpuan na ang isang submarine na permanenteng lumubog noong kasagsagan ng ikalawang digmaang pandaigdig sa karagatang sakop ng Dasol, Pangasinan noong ika-23 Mayo, 2024.
Idineklarang nawala ang USS Harder (SS-257) noong Enero 1945 kasama ang pitumput siyam (79) na US Sailor na sakay nito matapos itong palubugin ng Japanese escort ship CD-22.
Sa huling naging misyon ng USS harder ay nakaharap nito kasama ang dalawang submarine ang Japanese escort Vessel sa Dasol Bay noong Agosto 1944.
Ang nasabing submarine na nadiskubre ng the Lost 52 Project katuwang ang National Museum of the Philippines – Maritime and Underwater Cultural Heritage Division ay kinumpirma ng Naval History and Heritage Command – Underwater Archaeological Branch ng United States Navy.
Patuloy naman umanong makikipag-ugnayan ang National Museum of the Philippines sa US Navy upang mahanap pa ang iba pang mga barko na lumubog noong kasagsagan ng World War II.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan