NIA, namahagi ng mga fertilizer sa ilang irrigators association sa Cagayan Valley

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng National Irrigation Administration (NIA) ang pamamahagi ng fertilizers sa mga magsasaka sa Cagayan Valley Region.

Ang pamamahagi ng abono ay inisyatiba ni NIA Administrator Eduardo Eddie Guillen para sa contract farming program ng ahensya.

Nilalayon nito na suportahan ang inisyatiba ng gobyerno upang matiyak ang rice sufficiency ng bansa.

Makakatulong din ito para umangat ang kabuhayan ng mga magsasaka sa pagbibigay sa kanila ng access sa mga oportunidad at kinakailangang resources.

Kabilang sa pinagkalooban na ng fertilizers ang mga magsasaka mula sa Camal Irrigators Association, Futuscab Irrigators Association, Zimifus Irrigators Association, Mitaziba at Bical-Abagao Irrigators Association. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us