Nagpahatid ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa mga nasalanta ng bagyong Aghon sa lalawigan ng Quezon.
Partikular na tinungo ng Disaster Operations Center ng OVP ang Lucena City kung saan, pinakamarami ang lumikas sa kasagsagan ng bagyo.
Aabot sa 2 libong pamilya mula sa 6 na pinakanapuruhang Barangay sa Lungsod ang nabigyan ng relief bags.
Kasama ng team mula sa OVP ang kanilang Kalusugan Food Truck kasama ang may 100 volunteers na namahagi ng hot meals sa mga nasalanta.
Nagpapasalamat naman ang OVP sa Lokal na Pamahalaang Lungsod sa pag-alalay nito upang maihatid ang agarang tulong para sa mga apektadong kababayan. | ulat ni Jaymark Dagala