Nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) ang 13.9 na milyong pisong halaga ng shabu sa 3 arestadong drug suspek sa buy-bust operation sa Red High Heel Hotel, Brgy. Balogo, Pigcawayan, North Cotabato kaninang 5:30 ng umaga.
Sa ulat ni PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Director Police Brig. Gen. Eleazar Matta kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, kinilala ang 3 suspek na sina Marhaya Aziz Abdullah, 36, isang high value target (HVT), Kadapi Karim Jaca , 45 at, Ridzmer Nasher Abdulkara, 38.
Ang nakumpiskang shabu na may timbang na mahigit 2 kilo at iba pang narekober na ebidensya ay dinala sa Cotabato Provincial Forensic Unit, Kidapawan City para sa eksaminasyon.
Habang ang mga arestadong suspek ay dinala sa Pigcawayan Police Station para sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PDEG