P197-M halaga ng relief packs, nakahanda para sa posibleng epekto ng Bagyong Aghon sa Bicol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa posibleng maging epekto ng Bagyong Aghon sa buong rehiyon ng Bicol simula bukas, Mayo 25.

Kabuuang P197,510,778 halaga ng food at non-food relief items at P338,500 pondo ang hawak ng ahensya sakaling marami ang maapektuhan ng bagyo sa rehiyon.

Ayon sa DSWD Bicol, mayroong 145,787 ng Family Food Packs (FFPs) at 37,432 non-food relief items ang nakalaan para sa mga residenteng mangangailangan ng tulong.

Agad itong ipapamahagi ng ahensya para sa mga maaapektuhan sa tulong ng local government unit (LGU).

Sa ngayon, isinailalim na sa Signal Number 1 ang anim na probinsya sa rehiyong Bicol. Naglabas na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga kanselasyon sa lahat ng biyahe ng mga sasakyang pandagat sa mga pantalan sa loob at labas ng mga lalawigan. | ulat ni Garry Carl Carillo, Radyo Pilipinas Albay

Photos: DSWD Bicol

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us