Pinangunahan ni Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno ang pag-turn over ng Office of Civil Defense (OCD) ng 8 milyong pisong halaga ng emergency supplies sa lalawigan ng Batanes bilang paghahanda para sa darating na tag-ulan at La Niña.
Ang mga suplay na kinabibilangan ng non-food items, family packs, shelter repair kits, hygiene kits, at ropes, ay tinanggap ni Batanes Governor Marilou Cayco sa turnover ceremony sa Batanes State College sa Basco, Batanes noong Martes.
Sinabi ni Usec. Nepomuceno na dahil sa malimit na tamaan ng bagyo sa Batanes at maaring ma-isolate, mahalagang naka pre-position na ang emergency supplies para magamit agad.
Binigyang diin ni Usec. Nepomuceno ang malaking papel ng mga LGU bilang frontliner sa panahon ng sakuna, kaya importante aniya na mapalakas ang kanilang kapabilidad sa pamamagitan ng “augmentation” ng relief supplies. | ulat ni Leo Sarne
📷Courtesy of OCD