Reaksyon ng China sa katatapos lamang na civilian mission ng Atin Ito Coalition ang dumobleng biglang ng mga namonitor na Chinese vessels sa Bajo de Masinloc.
Ito ang sinabi ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad.
Batay sa datos ng Phil. Navy, 55 na barko ng China na binubuo ng 9 na Chinese Coast Guard Vessel, 4 na Peoples Liberation Army Navy at 42 Chinese Maritime Militia vessel ang namonitor sa Bajo de Masinloc mula Mayo 14 hanggang 20, na nataon sa panahong isinagawa ang civilian mission.
Halos doble ito sa 28 barko na kinabibilangan ng 8 CCGV, 2 PLAN at 18 CMMV na na- obserbahan noong May 7 hanggang 13.
Una nang nanawagan ang National Security Council (NSC) para sa pagsasagawa ng international inspection ng United Nations o respetadong environmental organizations sa mga aktibidad ng China sa Bajo de Masinloc.
Ito’y sa gitna ng ebidensya na hawak ng Philippine Coast Guard sa patuloy na “environmental destruction” na ginagawa umano ng China sa pamamagitan ng walang-habas na pag-kuha sa likas yaman, at “endangered species” sa lugar. | ulat ni Leo Sarne