Paghahanda sa tag-ulan, sinimulan na sa Lungsod ng Muntinlupa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umarangkada na ang Engineering Department ng Muntinlupa City para sa declogging activities nito.

Tinutukan ng declogging activities ang mga baradong kanal at estero para maiwasan ang pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan.

Ang ilan sa mga lugar na pinuntahan ng Declogging Team ay ang mga Midland 1 Subdivision, Brgy. Putatan, Purok 1 Extension, Brgy. Alabang, San Roque Purok 1 Extension, Brgy. Alabang, at Phase 1 Don Juan Bayview, Brgy. Sucat.

Nanawagan din ang pamahalaang lungsod sa mga residente nito na nais ng declogging assistance na maaring magpadala ng request letter sa Engineering Department (2nd Flr., Main Bldg., City Hall) tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7:00 am to 4:00 pm.

Paalala ng Muntinlupa LGU sa publiko na ugaliin ang paglalagay ng basura sa tamang tapunan para maiwasan ang pagbara sa mga kanal, lalo na ngayong paparating ang tag-ulan.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

#RP1News
#BagongPilipinas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us