Mariing kinundena ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang aniyay walang saysay na pagpatay kay Kapitan Ronaldo “Kaok” Loresca ng Barangay Buli, Muntinlupa.
Base sa nakarating na report sa alkalde, Miyerkules ng gabi, bandang 10:16PM ay walang-awa aniyang pinagbabaril si Kap. Kaok sa tapat ng isang tindahan sa M.L. Quezon Street, Brgy. Buli.
Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya, subalit sa initial reports ay dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang bumaril sa kapitan.
Dagdag ni Biazon na Ipinag-utos na nito sa kanilang operations center na i-review ang mga CCTV sa lungsod.
Ipinag-utos na rin ni Biazon sa PNP-Muntinlupa ang agarang imbestigasyon para matukoy ang mga salarin.
Paliwanag nito Walang puwang ang karahasan sa Muntinlupa kasabay ng pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ng buktima. | ulat ni Lorenz Tanjoco