Welcome para kay ACT CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang pahayag ng Philippine Navy na handa silang samahan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea sa kanilang pag palaot
Kasunod ito ng anunsyo ng China na magpapatupad ng apat na buwang fishing ban sa Scarborough Shoal na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay Tulfo, sabi ng Navy ay handa silang samahan ang mga mangingisda lalo na at maliban sa fishing ban ay may banta ang China na manghuli ng mgadayuhang papasok sa inaangkin nilang teritoryo.
Sa personal naman opinyon ng mambabatas, hindi na gumagana ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China dahil binabalewala lang ito ng naturang bansa.
Una nang naghain ang DFA ng diplomatic protest laban sa naturang unilatersl fishing ban ng China. | ulat ni Kathleen Forbes