Pagtanggal ng superbisyon sa lokal na pulisya ni Mayor Guo, ipinag-utos ni Sec. Abalos sa NAPOLCOM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang National Police Commission (NAPOLCOM) na magsagawa ng pagdinig upang tuluyang alisin ang superbisyon ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa lokal na pulisya.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Abalos na nagbigay na siya ng direktiba sa NAPOLCOM na i-withdraw ang “deputization” ng alkalde bilang representante sa NAPOLCOM na nagbibigay sa alkalde ng kapangyarihan na manduhan ang lokal na pulisya.

Sinabi ni Abalos na maaaring maipatupad ito sa linggong ito.

Nauna nang inirekomenda ng DILG sa Ombudsman ang preventive suspension sa alkalde kasabay ng pagbuo ng Special Task Force upang tingnan ang umano’y kaugnayan niya sa POGO hub sa kanyang bayan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us