Daan-daang siklista ang lumahok sa “family bike action day” ngayong umaga sa UP Academic Oval.
Ang aktibidad na tinawag na “Pedal for People and Planet” ay nilahukan ng iba’t ibang sektor kabilang ang mga estudyante, mga magulang at kabataan.
Layon nitong ipinakita ang suporta sa paglipat sa 100% renewable energy.
Pinangunahan ng Asian People’s Movement on Debt and Development ang event sa pakikipagtulungan ng University of the Philippines, Quezon City government at iba pang nongovernmental organizations (NGOs).
Panawagan din nila na mapanatili ang average na temperatura ng mundo na mas mababa pa sa 1.5 degrees celcius.
Ang mga aktibidad na ginagawa sa UP Campus ay sabayan ding isinasagawa ngayong araw sa Pakistan, Nepal, Bangladesh at Indonesia. | ulat ni Rey Ferrer