Personal na nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbubukas ng pinakabago at kauna-unahang 5-star integrated resort sa lungsod Quezon ngayong araw.
Sa kanyang talumpati, sinabi nitong masaya siya sa pagbubukas na Solaire Resort North na sinabi nitong game-changer sa laranganan hospitality. Binanggit din ng Pangulo ang pagse-set ng standard ng Solaire Resort, pagbukas ng una nitong resort sampung tao na ang nakakaraan. Sinabi rin ng Presidente ang mga pakinabang sa pagbubukas ng nasabing establisyimento kabilang na ang mga trabahong mabubuo sa pamamagitan nito.
Kumpiyansa si Pangulong Marcos sa Solaire na mas makikilala ang Filipino hospitallty sa buong mundo kasabay ng mga kilalang tourist spots sa bansa.
Nananawagan din ang Pangulo sa lahat na hikayatin ang buong mundo na bisitahin ang Pilipinas para makamit ang target nitong Bagong Pilipinas.
Sa nasabing kaganapan, kasama ni Pangulong Marcos si First Lady Liza Araneta-Marcos, gayundin ang Chairman at CEO ng Bloomberry Resorts Corporation (BRC) na si Enrique Razon, Jr., at mga panauhin tulad nina PAGCOR Chairman Alejandro Tengco, Executive Secretary Lucas Bersamin, Quezon City Mayor Joy Belmonte, dating Senate President Tito Sotto, Department of Finance (DOF) Sec. Ralph Recto, at mga LGU official sa mga karatig lugar, at marami pang iba.
Ang pinasinayaang Solaire Resort North ay isang proyekto ng Bloomberry Resorts Corporation (BRC) na nagkakahalaga ng $1 bilyon na nakatayo sa 1.5-ektaryang lupa sa kahabaan ng EDSA sa bahagi ng Vertis North, Quezon City.
Bilang unang 5-star integrated resort sa hilagang bahagi ng Metro Manila, mayroon itong 530 mga kuwarto at suite, apat na gaming levels na may 2,600 electronic gaming machines, at 160 gaming tables.
Mayroon ding 14 na restaurant at bars ang nasabing resort, swimming pool na may kid’s waterpark, wellness area na may health club at spa. Gayundin, ang mga pasilidad para sa MICE o para sa Meetings, Incentives, Conferences & Exhibitions.
Simula ngayong araw, May 25, bukas na sa publiko ang Solaire North at hindi na kakailangin pang dumayo ng iba sa Metro South para ma-experience ang world-class facility tulad nito.| ulat ni EJ Lazaro