Pasig City LGU, nagpaalala sa pet owner na maging responsable sa pag-aalaga ng hayop

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala sa mga pet owner ang Pasig City Local Government Unit sa pamamagitan ng kanilang Local Health Department na maging responsable sa pag-aalaga ng mga hayop.

Ito’y ayon sa Pasig LGU, matapos tumaas ang mga naitatalang insidente ng kagat ng hayop sa lungsod.

Batay sa datos mula Enero hanggang Marso ngayong taon, ay 6,319 na ang nakagat ng aso ang naitala, habang 6,592 naman ang mga nakagat o nakalmot ng pusa

Dahil dito, pinayuhan ng Pasig Health Department ang kanilang mga residente na pabakunahan laban sa rabies ang alagang aso o pusa simula tatlong buwan ng edad nito at ulitin ito kada taon.

Dapat laging bigyan ng masustansiyang pagkain at malinis na inumin ang alagang hayop at panatilihin ding malinis ito gayundin ang kanilang tirahan.

Huwag hayaang pagala-gala sa labas ng bahay ang mga alagang hayop at lagyan ito ng tali o leash kapag ilalabas para ipasyal.  | ulat ni Jaymark Dagala

#RP1News
#BagongPilipinas


Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us