Tiniyak ng Philippine Navy ang kanilang buong suporta sa mga mangingisdang Pilipino sa gitna ng ipinatupad na Fishing ban ng China sa ilang bahagi ng West Phil. Sea na saklaw ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sa pulong balitaan kaninang umaga, binigyang diin ni Philippine Navy Spokesperson for the West Phil. Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na ang fishing ban ng China na epektibo mula Mayo hanggang Setyembre, ay illegal, provocative at labag sa international law.
Sinabi pa ng opisyal, walang dapat ipangamba ang mga Pilipinong mangingisda lalo na ang mga nasa Bajo de Masinloc dahil nasa likod nila ang pamahalaan, at ginagawa anila lahat upang maprotektahan ang kanilang kabuhayan.
Payo ng opisyal sa mga Pilipinong mangingisda na wag pansinin ang Fishing ban at ituloy lang ang kanilang paghahanapbuhay.
Maalalang bago ang fishing ban , nauna nang nagpatupad ang China ng polisiya sa pag-aresto ng mga “trespasser” sa inaangkin nilang teritoryo sa West Philippine Sea, na binalewala din ng Pilipinas. | ulat ni Leo Sarne