Pinabibilisan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ginagawang distribusyon ng pamahalaan ng mga lupain para sa benipersaryo ng Agrarian Reform.
Sa talumpati ng Pangulo sa ginawa nitong pamamahagi ng Certificates of Land Ownership sa Korondal , South Cotabato ay inatasan nito ang Department of Agrarian Reform para sa facilitation Ng land title distribution para sa mga magsasaka.
Ang kautusan ay ginawa ng Pangulo sa harap ng pagtiyak na katuwang ng mga mangingisda at magsasaka ang pamahalaan para sa pag- angat ng kalidad ng kanilang pamumuhay.
Tuloy tuloy din ayon sa Chief Executive ang pagkilos ng gobyerno para mapangalagaan ang yamang lupa ng bansa at tutugunan ang anomang hamon na kinakaharap ng sektor ng agrikultura gaya ng El Nino at ang paparating na La Nina.
Nanawagan Naman Ang Pangulo ng pagtutulungan sa harap ng isinusulong ng kanyang Administrasyon na masaganang buhay sa bawat Pilipino sa ilalim ng bagong Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar