Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong Huwebes, Mayo 16, ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na lubhang naapektuhan ng El Niño. Ang ceremonial distribution ay gaganapin sa loob ng MSU-IIT Gymnasium, Iligan City.
Ang mga benepisyaryo ay tatanggap ng tig-P10,000 bilang cash assistance sa pamamagitan ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF).
Bukod dito, may 10,000 ding benepisyaryo sa lungsod ang tatanggap ng tig-P10,000 sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations program ng Department of Social Welfare and Development. Ang lahat ng benepisyaryo ay makakatanggap din ng tig-5 kilong bigas.
Labis na nagpapasalamat si Ginang Elizabeth Marangga, Presidente ng Tag-ibo Fisherfolk Association, dahil napansin ng Pangulo ang hirap na kanilang nararanasan bilang mangingisda dahil sa El Niño phenomenon kung saan humina ang kanilang kita.
Malaking tulong anya ang kanyang matatanggap na P10,000 para sa pag-aaral ng kanyang mga anak at pambili ng pagkain.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary for Television Dale De Vera na layunin ng PAFF na bumuti ang agricultural productivity at kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda at kanilang pamilya.
Paliwanag ni De Vera na ang ginagawa ng gobyerno ngayon ay ang “whole-of-government’’ approach kung saan pinagsama-sama ang lahat ng ahensya ng gobyerno upang imaximize ang pagtulong sa mga Pilipino at matugunan ang kasalukuyang mga isyu.
Dagdag pa niya na nais ng Pangulo na dalhin ang Malacañang papunta sa mga tao at walang rehiyon o lalawigan na maiiiwn o makakaligtaan pagsilbihan.
Ilang personahe rin ang inaasahan dadalo tulad ni Dept. of Interior and Local Govt. Benjamin Abalos, Jr., DA Secretary Francisco Laurel, PCO Secretary Cheloy Garafil, DSWD Secretary Rexlon Gatchalian, Secretary Anton Lagdameo, Jr., ang Special Assistant to the President at Provincial and Local Govt. Officials. | ulat ni Biema Miñoza | RP1 Iligan