Alas onse ng umaga inaasahan ang dating ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sana sa kanyang ikalawang event sa Dipolog para sa pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga magsasaka ngunit naantala dahil sa masamang panahon.
Kwento ni Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella, may pauna ng nagsabi na delikado nang magtungo pa ng Dipolog dahil sa malakas na ulan.
Pero si Pangulong Marcos Jr., sabi ni Estrella ay nagpumilit pa ring tumuloy sa Dipolog sa kabila ng banta at sinabihan aniya ang piloto na gawan ng paraan para marating ang kanilang destinasyon.
Pag-amin naman ng Kalihim, nakaramdam siya ng kaba at nakaranas sila my turbulence sa sasakyang panghimpapawid na kanilang
Sa naturang event ay ipinamahagi ng Pangulo ang 4,956 na Certificates of Land Ownership.
Ang ipinamahaging lupa ay umaabot sa 7,214.70 ektarya ng lupain sa mga Lalawigan ng Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte, at Zamboanga del Sur, na kung saan ay makikinabang Dito ang humigit-kumulang 4,456 agrarian reform beneficiaries. | ulat ni Alvin Baltazar