Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng Certificates of Land Ownership sa may 2426 na mga Agrarian Reform Beneficiaries sa Dumaguete city.
Ang naipamahaging lupain sa mga magsasaka ay may sukat na 2,866.5 hectares habang nagbigay din ang Pangulo ng may 17.5 million pesos na farm machinery at equipment sa may siyam na agrarian reform beneficiaries’ organizations.
Kinabibilangan ito ng traktora, mga tricycle, floating tillers, grass cutters, food dehydrators, at corn mills.
Sa kabilang dakoy nakatakda ring mamahagi ang Pangulo ng may 5,438 land titles at may 5 na Daan at siyam na milyong pisong halaga ng support services project sa mga magsasaka sa Tacloban City.
Sa talumpati ng Chief Executive ay tiniyak nitong kukumpletuhin ng pamahalaan ang programang pang- agrarya bilang pasasalamat na rin sa pagsasakripisyo ng mga magsasaka para sa taong bayan. | ulat ni Alvin Baltazar