Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na pilit aabutin at pupuntahan ng gobyerno ang mga Lugar sa bansa na lubhang nangangailangan ng tulong.
Ito any binigyang diin ng Pangulo kaugnay ng pinangunahan nitong
pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka at mangingidsda gayundin sa maraming pamilya sa Bongao, Tawi-Tawi na naapektuhan ng matinding tagtuyot.
Ayon sa Pangulo, kanyang titiyakin na makararating ang tulong, program at oportunidad sa lahat ng mamamayan Lalo na sa malalayong lugar gaya ng Basilan at Tawi- Tawi.
Panawagan Naman Ng Punong Ehekutibo sa mga namiminuno sa pamahalaan, laging unahin ang kapakanan ng pinaka- nangangailangan at mamuno Ng may integridad.
Ito aniya ang kailangang klase ng pamununo sa ilalim ng Bagong Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar