Personal na ininspeksyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson, Atty. Don Artes ang bakanteng lote na pagmamay-ari ng Government Service Insurance System (GSIS) sa bahagi ng Elliptical Road sa Quezon City.
Dito planong magtayo ng isang integrated terminal at parking area na makatutulong sa mga biyahero at motorista.
Kasama ni Artes sa ginawang inspeksyon sa nabanggit na lugar ang mga opisyal ng GSIS at ilang City Bus Operators.
Kasunod nito, pinag-aaralan din ng MMDA sa pakikipagtulungan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga rutang daraanan para sa inaasahang proyekto.
Bahagi anila ito ng traffic and development plan ng ahensya.
Kaugnay niyan, inaasahan namang makikipagpulong ang MMDA kasama ang Department of Transportation (DOTr) at Quezon City Local Government Unit para ilatag ang disenyo at plano sa naturang terminal. | ulat ni Jaymark Dagala
📷: MMDA