Bubuo ang Philippine National Police ng “Special Team” kasama ang iba’t ibang tanggapan at ahensya, laban sa ginagawang “moonlighting” ng mga hindi awtorisadong escort ng mga VIP.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Transportation (DOTr) kaugnay nito.
Ayon kay Fajardo, bukod sa DOTr, makakasama din sa “special team” ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Highway Patrol Group (HPG), at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).
Paliwanag ni Fajardo, kasama ang IMEG dahil sila ang nakatoka sa counter intellignce laban sa mga pasaway na pulis.
Mag-o-operate ang special team sa buong bansa pero una itong pagaganahin sa NCR.
Magsasagawa sila ng random inspection sa mga pangunahing lansangan. | ulat ni Leo Sarne