Nagpahayag ang Philippine Reclamation Authority (PRA) ng suporta sa naging rekomendasyon ni House Ways and Means Committee Chairperson Rep. Joey Salceda hinggil sa land reclamation project sa Manila Bay.
Ayon kasi kay Salceda may potensyal ang land reclamation projects sa Manila Bay bilang ‘critical fiscal lifeline’ para sa pambansang ekonomiya.
Sinabi naman ni PRA Chairperson Alexander Lopez na ang reklamasyon ay para sa poverty alleviation.
Ibinida ni Lopez na mahalagal ang gagampanang papel ng reklamasyon para gumawa ng oportunidad para sa economic empowerment, partikular sa marginalized communities.
Binigyang diin din ni PRA General Manager Cesar Siador Jr. ang environmental benefits ng reklamasyon kung saan may potensyal aniyang makapag-extend ng green spaces at mabawasan ang banta ng pagbaha sa ibang komunidad. | ulat ni Lorenz Tanjoco