Pres. Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos, magkasamang bumati sa ika-27 taong kaarawan ng kanilang bunsong anak na si Vinny

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkasamang bumati ang First Couple na sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr at First Lady Liza Marcos sa kanilang bunsong anak na si William Vincent Araneta-Marcos para sa ika-27 taong kaarawan ngayong araw.

Sa mensahe ng Pangulo sa Presidential Son, pabirong sinabi ng Pangulo na dahil May 17 ngayon at birthday ni Vin ay siya ang paborito ngayong araw.

Sinegundahan naman ni First Lady Liza ang pagbati sa anak na aniya’y most charming, most talkative, at pinakamaganang kumain.

Kaugnay nito, sinabi ng Pangulo na maaari nilang ipagdiwang ang birthday ng anak sa gawi ng Norte.

Ngayong araw ay sa Ilocos Norte ang magiging aktibidad ng Pangulo kung saan ay pangungunahan ang pagbubukas ng isang tourist area. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us