Walang nakikitang kakaiba ang Philippine Navy sa napaulat na presensya ng pinakamalaking barko ng Chinese Coast Guard (CCG) sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ayon kay Phil. Navy spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad, ang naturang barko, kasama ang isa pang Chinese vessel na namonitor sa distansyang 50 milya sa kanluran ng Bajo de Masinloc noong nakaraang linggo ay nakalabas na sa EEZ ng bansa.
Sinabi ni Trinidad na “nothing unusual” ang ginawa ng mga CCG vessels at hindi rin daw nagtagal ang mga barko sa EEZ ng bansa.
Maaalalang sa X post ng SeaLight director na si Ray Powell, bago namonitor sa EEZ ng bansa, nagsagawa ng patrolya ang CCG sa exclusive economic zones ng iba’t-ibang bansa para ibandera ang kanilang presensiya. | ulat ni Leo Sarne