Bumaba ng ₱2 hanggang ₱5 ang presyo ng ilang agricultural product sa Agora Public Market sa San Juan City ngayong araw.
Ito’y ayon sa mga nagtitinda sa palengke ay dahil sa epektong dulot ng ipinatupad na bigtime rollback sa presyo naman ng mga produktong petrolyo kamakailan lamang.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, ilan sa mga nagmura ang presyo ay ang Luya na nasa ₱170 ang kada kilo, Bawang na nasa ₱140 ang kada kilo, Ampalaya na nasa ₱115 ang kada kilo.
Carrots at Patatas na nasa ₱90 ang kada kilo, Sibuyas na nasa ₱80, Talong na nasa ₱75 ang kada kilo, Kamatis na nasa ₱70 ang kada kilo, Sayote na nasa ₱60 ang kada kilo, Repolyo at Pechay Baguio na nasa ₱50 ang kada kilo.
Ang Manok, bumaba rin sa ₱170 ang kada kilo habang nananatili namang matatag ang presyuhan ng Baboy na nasa ₱320 hanggang ₱380 at ang Baka na nasa ₱410 ang kada kilo.
Sa isda, ang Galunggong ay nananantili sa ₱210 ang kada kilo, Bangus ay bahagyang bumaba sa ₱160 hanggang ₱180 depende sa laki, at ang Tilapia ay nasa ₱120 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala