Presyo ng asukal sa Marikina Public Market, nanatiling matatag sa kabila ng pangangailangang pag-aangkat nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling sapat ang suplay at matatag ang presyuhan ng asukal sa Marikina Public Market.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa ₱90 hanggang ₱92 ang presyo ng kada kilo ng puting asukal, ₱90 naman ang kada kilo ng dark brown sugar, habang ₱75 ang kada kilo ng light brown sugar.

Dahil sa mainit ang panahon at maraming gumagawa ng palamig bilang pamatid-init, masigla ang bentahan ng asukal lalo na para sa mga nagtitinda ng halo-halo at iba pang panghimagas na ginagamitan nito.

Nabatid na iminungkahi kamakailan ng Private Sector Advisory Council – Agriculture Sector Group kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangang mag-angkat ng asukal dahil sa mababang lokal na produksyon nito.

Anila, dapat mag-angkat ng 185 hanggang 100 metriko toneladang raw sugar para mapanatiling sapat ang suplay nito gayundin ay para magkaroon ng buffer stock.

Inirekomenda rin ng naturang grupo sa Pangulo ang pagrepaso sa umiiral na Sugarcane Industry Development Act. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us