Tumaas ng Php 5 hanggang Php 10 ang presyo sa kada kilo ng gulay sa Marikina Public Market.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, pumalo na sa Php 250 ang kada kilo ng Bell Pepper, Patatas ay nasa Php 90 ang kada kilo, Carrots ay nasa Php 100 ang kada kilo.
Bawang ay nasa Php 100 ang kada kilo, Sibuyas ay nasa Php 90 ang kada kilo, Luya ay nasa Php 180 ang kada kilo habang walang naging paggalaw sa presyuhan ng Kamatis na nasa Php 70 ang kada kilo.
Tumaas din ang presyo ng Sayote sa Php 65 ang kada kilo, Repolyo at Pechay Baguio na kapwa nasa Php 70 ang kada kilo.
Samantala, ang karne ng Baboy partikular na ang Kasim ay nasa Php 310 ang kada kilo habang ang Liempo ay nasa Php 370 ang kada kilo.
Manok ay nasa Php 180 ang kada kilo habang ang Baka ay nasa Php 420 ang kada kilo.
Nananatili namang matatag ang presyo ng isda gaya ng Galunggong na nasa Php 200 ang kada kilo, Bangus ay nasa Php 160 hanggang Php 180 depende sa laki habang ang Tilapia ay nasa Php 120 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala