Hindi pahihintulutan ng Philippine Navy na arestuhin ng China ang mga Pilipinong mangingisda na naglalayag sa West Phil. Sea.
Ito ang inihayag ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commo. Roy Vincent Trinidad kaugnay ng bagong polisiya ng China na ipaaresto sa China Coast Guard ang sinumang indibidwal na ilegal na papasok sa kanilang inaangking maritime territory.
Giit ni Trinidad, ang polisiyang ito ng China ay hindi katanggap-tanggap sapagkat ito ay lumalabag sa international law kasabay ng pagbibigay-diin na walang anumang legal entitlement ang kine-claim na 9-nine dash line ng naturang bansa.
Sinabi ni Trinidad na maraming pamamaraan ang kanilang hanay para protektahan ang mga Pilipinong mangingisda sa naturang pinag-aagawang teritoryo,hindi lamang sa aspetong militar kundi maging sa pamamagitan ng “whole of the nation approach.” | ulat ni Leo Sarne