Pulis na nagmaneho ng PNP Van sa Edsa bus lane at tumakas sa enforcer, ni-relieve sa pwesto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ni-relieve sa pwesto ang pulis na nagmamaneho ng isang markadong Philippine National Police (PNP) Van na tumakas sa mga enforcer, matapos na mahuling dumadaan sa bus lane sa EDSA-Ortigas kahapon ng hapon.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, na posibleng maharap sa administratibong kaso ang naturang pulis na kinilala bilang isang liason officer ng PNP Region 10.

Una na ring inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang Land Transportation Office (LTO) na mag isyu ng show cause order at ipatawag ang driver.

Tiniyak naman ni Col. Fajardo na pahaharapin nila ang nasabing pulis sa imbestigasyon ng LTO sa insidente.

Muling nagpaalala si Col. Fajardo sa lahat ng pulis, na hindi basta basta maaaring dumaan sa busway kahit na marked vehicle lalo na kung wala namang lehitimong operasyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us