QC LGU, pina-iingat ang publiko laban sa Influenza-Like illness

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit ang mga residente sa lungsod laban sa iba’t ibang sakit.

Dahil sa pabago-bagong panahon at temperatura sa paligid, iba’t ibang sakit din ang lumalaganap kagaya ng influenza.

Batay sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, nakapagtala na ng 546 Influenza-Like Illness (ILI) case sa lungsod simula Enero 1 hanggang Mayo 10, 2024.

Mas mataas ito sa bilang ng mga kaso sa kaparehong panahon noong 2023 na mayroon lamang 297 na kaso.

 Sa kabuuang kaso, isa (1) ang naiulat na namatay sa sakit.

Payo pa ng CESU, para maprotektahan ang sarili laban sa influenza sundin lang ang wastong respiratory hygiene upang makaiwas sa anumang respiratory illness.

Kabilang sa mga high risk na mahawaan ng sakit na ito ang mga bata, mga buntis, mga matatanda na may edad 65 pataas, at mga taong dati ng may sakit tulad ng diabetes, asthma at sakit sa puso. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us