Nagpapatupad na ng mga paghahanda ang Quezon City government sa posibleng epekto na dala ngbagyong Aghon.
Ayon sa LGU, nagsasagawa na ng Pre-Disaster Risk Assessment ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ilang kagamitan at rescue boats ang inihanda ng QCDRRMO para sa low-lying communities sa lungsod.
Sa kasalukyan, nasa Yellow Alert ang QCDRRMO at nakaantabay ang mga kawani ng ahensya para sa agarang pagresponde sa mga residente ng lungsod.
Ngayong umaga, patuloy na makararanas ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ambon at pag-ulan ang lungsod dulot ng hanging habagat.
Gayunpaman, patuloy ang pagmomonitor ng Quezon City DRRMO. | ulat ni Rey Ferrer