Iminumungkahi ni Senate President Francis βChizβ Escudero na makapagsulong ng batas para malimitahan na lang sa regulatory function ang PAGCOR.
Ayon kay Escudero, dapat nang alisin sa PAGCOR ang kapangyarihan na mag-operate ng mga nasa gaming industry.
Pinunto ng senador sa ngayon kasi ay kapwa regulatory at supervisory ang kapangyarihan ni PAGCOR.
Sinabi ng Senate leader na ikokonsidera nilang gumawa ng isang batas para maging gaming commission na lang ang PAGCOR at hindi isang korporasyon nang sa gayon ay magsu-supervise na lang sila at hindi na nagpapatakbo ng mga pasugalan.
Dinagdag din ni Escudero na dapat hindi na maging partner ng mga pasugalan ang PAGCOR at wala na silang porsyento sa kita sa mga ito. | ulat ni Nimfa Asuncion