Iprinisinta ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga hakbang ng Hukbong Katihan para suportahan ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept.
Ito’y sa unang Philippine Army Command Conference na pinangunahan ng Pangulo sa Malacanang kahapon, kasama sina Department of National Defense Sec. Gilberto C. Teodoro Jr., Executive Sec. Lucas P. Bersamin, Special Assistant to the President Sec. Antonio Ernesto F. Lagdameo, Jr., iba pang miyembro ng kabinete at AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.
Dito’y inilahad din ni Lt. Gen. Galido at mga matataas na opisyal ng Phil. Army ang mga accomplishment at plano ng hukbo sa pagganap ng kanilang mandato, at iniulat ang mga update sa Phil. Army Capability Development Program.
Nagpasalamat din ang liderato ng Phil. Army sa Pangulo sa kanyang “guidance” at patuloy na suporta sa modernisasyon ng hukbo tungo sa pagiging isang moderno, multi-mission ready, at cross-domain capable na pwersa. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PCO