Suspek sa pamamaril sa Edsa-Ayala tunnel, iprinisinta ni Sec. Abalos sa Camp Crame

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iprinisinta ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa Camp Crame ang suspek sa pamamaril at pagpatay kahapon ng driver ng Toyota Innova sa Edsa Ayala tunnel sa Makati.

Kinilala ni Abalos ang suspek na si Gerrard Raymond Yu, na inaresto kaninang alas-7 ng umaga sa kanyang tirahan sa Riverside Village, Pasig City.

Narekober sa suspek ang dalawang Cal .40 pistol at itim na Mercedes Benz na may plakang DAD9670, kasama ang plakang BCS77 na nasa loob ng sasakyan.

Ayon kay Abalos, nagpositibo sa paraffin test ang suspek at nag-match ang narekober na basyo ng bala sa crime scene sa isa sa mga baril na nakuha sa suspek.

Base sa police report, nasangkot sa insidente ng “road rage” ang driver ng Toyota Innova na may plakang NCV 542 na si Aniceto Mateo at ang driver ng itim na Mercedes na may plakang BCS77 sa Edsa Ayala tunnel, nang barilin ng huli ang una, na nagresulta sa pagkamatay nito. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us