Bunsod ng kakulangan ng tubig sa Barangay Pinagsama at Post Proper Southside nagsagawa ng pagrarasyon ng tubig ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig.
Gamit ang water trucks at fire trucks mula sa City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP), kabilang na rin ang tankers mula sa kalapit na mga barangay ay nagsagawa ng pamimigay ng tubig ang lungsod sa mga residente nito sa nabanggit na barangay.
Dahil naman sa pakikipag-usap ng pamahalaang lungsod sa mga stakeholder o mga may kinalaman sa problema ay pumayag ang Manila Water na magkaroon ng metro para sa 200 kabahayan na nasa linya ng water source.
Pumayag na rin ang Bases Conversion and Development Authority sa pag-install ng mga nasabing water meter sa iba pang kabahayan na nasa loob na bahagi ng mga nasabing barangay.
Umaasa ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig na dahil sa nasabing mga kasunudan ay ang pagbuti ng estado ng suplay ng tubig sa lugar. | ulat ni Lorenz Tanjoco
: Brgy. 31 Post Proper Southside