Matagumpay na naidaos ng Taguig Medical Assistance Office ang Taguig Love Caravan sa Brgy. New Lower Bicutan at Brgy. Tanyag partikular sa Bayan Street, Takhuway Association Open Space at Dimson Open Court.
Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig, naging misyon na nito ang maghatid ng serbisyong medikal at dental, pati na rin wellness programs sa mga Taguigeño simula nang manungkulan ang alkalde nitong si Mayor Lani Cayetano noong 2010.
Patuloy ang paghahatid ng Taguig Love Caravan ng serbisyong medikal tulad ng libreng check-up at laboratory services, at pagbunot ng ngipin sa mga residente ng Taguig sa lahat ng barangay.
Kinilala naman ni Mayor Lani Cayetano ang tulong ng mga masisipag na doktor, dentista, medical team at kawani ng pamahalaang lungsod para maging matagumpay ang naturang caravan.
Aniya, nagmistulang opisina na ng mga ito ang lansangan dahil sa patuloy na paghahatid ng serbisyo saan mang sulok ng lungsod ng Taguig.
May kabuuang 465 na residente ng Brgy. New Lower Bicutan, partikular na ang 257 na residente ang nahatiran ng serbisyong medikal at 168 naman sa pagbunot ng ngipin.
Habang nasa 447 na residente ng Brgy. Tanyag, kung saan 324 na residente ang nabigyan ng serbisyong medikal at 123 naman sa pagbunot ng ngipin.
Sa pangunguna naman ng Nutrition Office, nagkaroon ng nutrition seminar kung saan 25 na residente bawat barangay ang nakilahok sa pagluluto ng mura ngunit masustansyang pagkain na maaaring gawing pangkabuhayan. | ulat ni Lorenz Tanjoco


: Taguig LGU