Tatlong matataas na opisyal ng PNP, isinailalim sa rigudon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpatupad ng rigudon ang Philippine National Police (PNP) sa matataas na opisyal nito.

Batay sa kautusan ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, itinalaga si PMGen. Romeo Caramat Jr. bilang pinuno ng Area Police Command – Northern Luzon na isang 3-star post.

Papalit naman kay Caramat bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si PMGen. Leo Francisco.

Habang itinalaga naman bilang hepe ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) si PBGen. Matthew Baccay bilang kapalit ni Francisco.

Epektibo ang naturang rigudon ngayong araw, Mayo 2. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us