Inanunsyo ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang boluntaryong pagsuko ng isang pugante na tinaguriang most wanted man sa Samar.
Sinabi ni Abalos, sumuko sa Calbayog City Police nitong araw ng linggo si Jimmy Managaysay Elbano a.k.a “Bruno.”
Nahaharap ito ng anim na counts ng kasong murder at iba’t iba pang kasong kriminal.
Kabilang na rin siya sa mga most wanted person sa buong bansa na may standing warrants para sa anim na counts ng murder, apat na counts ng frustrated murder, dalawang counts ng robbery with homicide, at direct assault with multiple attempted murder.
Si Elbano ay may patong pang Php165,000 pabuya sa kanyang ikadarakip.
Sa panig ni PNP Region 8 chief P/BGen Reynaldo Pawid, sinabi nito na si Elbano ng Brgy. Villahermosa, Calbayog City, Samar ay hindi tinantanang hanapin ng pulisya at militar mula pa noong huling ng quarter ng 2023.
Ang pinatinding operasyon ang dahilan ng pagsuko ni Elbano sa mga awtoridad.| ulat ni Rey Ferrer