Pinatitiyak no House Committee on Labor and Employmemt Chair Fidel Nograles sa pamahalaan na mabigyan ng trabaho ang mga dating rebelde.
Ito ay upang maiwasang magbalik sila sa armadong pakikibaka.
Ang pahayag no Nograles ay kasunod ng aninsyo ng National Amnesty Commission (NAC) na tinatayang aabot sa 100,000 na dating mga rebelde ang kukuha ng amnesty program ng pamahalaan.
Ayon aniya kay NAC Commissioner Nasser Marohomsalic, karamihan sa mga kukuhang amnestiya ay mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).
“We have to provide ample support to those granted amnesty so they can return to their families and communities with renewed hope,” sabi ni Nograles.
Giit pa ng mambabatas, ang dami ng mga aplikante para sa amnestiya ay nagpapakita na marami na ang nagbabalik ang tiwala sa pamahalaan.
Kaya aniya kailangang patuloy na magsumikap para mapalago ang agrikultura at mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ang pagkain, pagandahin ang kalidad ng edukasyon at healthcare, at lumikha ng trabaho para tuluyang masugpo ang insurhensiya sa ating bansa. | ulat ni Kathleen Forbes