Valenzuela LGU, may hatid na ₱25-M educational incentive sa mga magsisipagtapos na mag-aaral sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umarangkada na ang pamamahagi ng educational incentive ng Valenzuela LGU para sa mga estudyanteng magsisipagtapos ngayong school year.

Ayon sa Valenzuela LGU, aabot sa ₱25-million ang kabuuang halaga na ilalaan sa educational incentive kung saan target na benepisyaryo ang nasa 16,252 graduating Elementary at Senior High School students mula sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Sa ilalim nito, ang bawat magsisipagtapos ay makatatanggap ng tig-₱1,500 incentive at may karagdagan pa sa mga graduating honor students.

Nagsimula noong May 15 ang distribusyon nito na tatagal hanggang May 27, 2024.

Mismong si Mayor Wes Gatchalian rin ang namamahagi ng cash aid na inaasahan nitong makatutulong sa mga gastusin ng mga estudyante sa pag-aaral. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us