Panindang luya sa ADC Kadiwa store, mabibili lang sa ₱180 kada kilo

Sa kabila ng mahal na bentahan ng luya sa ilang pamilihan, nananatiling mas mababa ang presyo nito sa Kadiwa Store ng Department of Agriculture (DA). Sa ADC Kadiwa Store sa tanggapan ng DA sa Quezon City, mabenta rin sa mga mamimili hindi lang ang murang bigas kundi pati na rin ang luya. Nagkakahalaga lang kasi… Continue reading Panindang luya sa ADC Kadiwa store, mabibili lang sa ₱180 kada kilo

Mahigit 50 tauhan ng Bamban Municipal Police Station sa Tarlac, sinibak sa puwesto

Ipinag-utos ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagsibak sa mahigit 50 tauhan ng Bamban Municipal Police Station sa Tarlac. Ito’y isang araw matapos maisilbi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kautusan ng Ombudsman na nagpapataw ng Preventive Suspension kay Bamban Mayor Alice Guo gayundin sa ilang miyembro ng Sangguniang… Continue reading Mahigit 50 tauhan ng Bamban Municipal Police Station sa Tarlac, sinibak sa puwesto

Halos 700 indibidwal, inilikas sa Negros Island kasunod ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

Aabot sa halos 700 indibiduwal ang nananatili sa mga evacuation centers sa Negros Oriental at Occidental dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon. Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 685 indibidwal ang nananatili ngayon sa evacuation centers sa Negros Oriental at Occidental dahil sa pag-aalburoto ng bulkan. Nasa 508… Continue reading Halos 700 indibidwal, inilikas sa Negros Island kasunod ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

Dating consultant ni Bamban Mayor Alice Guo, lumutang para depensahan ang alkalde

Idinepensa ng kanyang dating consultant si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nakukwestyon ngayon ang citizenship. Ayon kay Nancy Gamo, dating consultant ni Guo, lumutang siya bilang isang kaibigan at kakilala ng alkalde dahil hindi umano niya kayang manahimik sa gitna ng mga isyu na ibinabato sa alkalde. Mahigit 10 taon umano niyang kilala si Mayor… Continue reading Dating consultant ni Bamban Mayor Alice Guo, lumutang para depensahan ang alkalde

Sen. Zubiri, planong sampahan ng cyber libel ang mga nagpapakalat ng black propaganda laban sa kanya sa social media

Balak ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri na maghain ng cyber libel case sa mga indibidwal na naninira ng kanyang pangalan sa pamamagitan ng black propaganda sa social media. Tinutukoy ni Zubiri ang mga kumakalat na video sa social media na nagsasabing nakuha niya ang kanyang mga ari-arian sa pamamagitan ng korapsyon. Itinanggi ng… Continue reading Sen. Zubiri, planong sampahan ng cyber libel ang mga nagpapakalat ng black propaganda laban sa kanya sa social media

Mga nailikas dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros Oriental, pumalo sa mahigit 300 — OCD

Pumalo na sa mahigit 71 pamilya o katumbas ng nasa 327 indibiduwal ang inilikas sa Negros Oriental dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon. Ito ang ipinabatid ng Office of Civil Defense (OCD) batay sa ulat ng kanilang Central Visayas Regional Field Office kasunod ng isinagawang emergency meeting kagabi. Ayon sa OCD, nagmula ang mga inilikas… Continue reading Mga nailikas dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros Oriental, pumalo sa mahigit 300 — OCD

House leaders at DHSUD, pangungunahan ang site inspection ng Pambansang Pabahay Program sa San Mateo, Rizal

Magsasagawa ngayong umaga ng site inspection ang House leaders sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez at House Appropriations Committee Chair Elizaldy Cosa sa itinatayong Pambansang Pabahay Program ng pamahalaan sa Guitnang Bayan II, San Mateo, Rizal. May kabuuan itong land area na 46,007 square meters. Ongoing na ang construction para sa 4,330 units ng condo… Continue reading House leaders at DHSUD, pangungunahan ang site inspection ng Pambansang Pabahay Program sa San Mateo, Rizal

PHIVOLCS, may paalala sa mga residenteng nakaranas ng ashfall kasunod ng pagsabog ng Mt. Kanlaon

Naglabas ng ilang gabay ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) para sa mga residente sa Negros na nakaranas ng ashfall kasunod ng pag-alburoto ng Mt. Kanlaon. Ayon sa PHIVOLCS, dapat na tanggalin agad ang mga naipong abo sa bubong para maiwasan ang pagbagsak nito. Pagkatapos maalis ang mga abo, linisin ang bubong at alulod ng tubig. Basain… Continue reading PHIVOLCS, may paalala sa mga residenteng nakaranas ng ashfall kasunod ng pagsabog ng Mt. Kanlaon

43 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Kanlaon — PHIVOLCS

Umabot sa 43 volcanic earthquake o pagyanig ang naitala sa Mt. Kanlaon sa Negros sa nakalipas na 24-oras. Batay yan sa inilabas na update ng PHIVOLCS ngayong umaga. Ayon sa PHIVOLCS, umabot rin sa 797 tonnes ng sulfur dioxide din ang ibinuga ng bulkan. Matatandaang bandang 6:51 kagabi nang sumabog ang bulkan na tumagal ng… Continue reading 43 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Kanlaon — PHIVOLCS

Halos 800 indibidwal, apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon — DSWD

Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na 170 pamilya o halos 800 indibidwal na apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island kagabi. Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Western at Central Visayas. Batay din sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information… Continue reading Halos 800 indibidwal, apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon — DSWD