Lahat ng morning flights sa Bacolod-Silay Airport, kanselado — CAAP

Naglabas na ng anunsyo ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na lahat ng morning flights mapa-inbound o outbound sa Bacolod-Silay Airport ay kanselado.  Paliwanag ng CAAP, ito ay bunsod ng phreatic explosion ng Kanlaon Volcano.  Base naman sa impormasyong natanggap ng CAAP mula sa mga airline station managers, ang mga afternoon flights ay… Continue reading Lahat ng morning flights sa Bacolod-Silay Airport, kanselado — CAAP

Pagpapatupad ng temporary ban sa importasyon ng karne ng baka, pinaboran ng mga nagtitinda sa Marikina Public Market

Pabor sa mga nagtitinda ng karne ng baka sa Marikina City Public Market ang ipinatupad na temporary ban ng Department of Agriculture (DA) sa pag-aangkat ng mga imported cattle meat products. Ayon kay Mang Rody, isa sa mga nagtitinda ng karne ng baka, lubhang natatalo kasi ng mga imported na karne ng baka ang kanilang… Continue reading Pagpapatupad ng temporary ban sa importasyon ng karne ng baka, pinaboran ng mga nagtitinda sa Marikina Public Market

Taas-baba sa presyo ng produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw

Ramdam na ng mga motorista ang taas-baba sa presyuhan ng produktong petrolyo.  Base sa anunsyo ng iba’t ibang kumpanya ng langis, tumaas ng ₱0.60 centavos per liter ang diesel, habang bumaba naman ang gasolina ng ₱0.90 centavos per liter. Tumaas din ng ₱0.80 centavos per liter ang produktong kerosene. Una nang inanunsyo ng Department of… Continue reading Taas-baba sa presyo ng produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw

127 pamilya sa Negros Occidental apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Nasa 127 pamilya o 619 na indibidwal sa probinsya ng Negros Occidental ang apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon. Sa monitoring ng Regional Disaster Risk Reduction Management Office 6, ang nasabing mga pamilya ay mula sa Bago City, La Castellana, La Carlota City, Moises Padilla at Pontevedra. 508 indibidwal ay nasa mga evacuation centers habang… Continue reading 127 pamilya sa Negros Occidental apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

DOH, pinaalalahanan ang mga residente malapit sa Bulkang Kanlaon sa mga sakit na maaaring dala ng pagsabog

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga residente na nakatira malapit sa Bulkang Kanlaon matapos itong muling sumabog at itaas sa Alert Level 2. Ayon sa DOH, mahigpit na pinapayuhan ang lahat na maging mapagbantay at iwasan ang apat na kilmetrong-radius na Permanent Danger Zone (PDZ). Ito’y upang mabawasan ang panganib mula sa biglaang… Continue reading DOH, pinaalalahanan ang mga residente malapit sa Bulkang Kanlaon sa mga sakit na maaaring dala ng pagsabog

Canlaon City Mayor Cardenas, ipinag-utos ang agarang pagpapasara ng mga non- essential establishments sa lungsod

Ipinag-utos ni Canlaon City Mayor Jose Chubasco Cardenas ang agarang pagpapasara ng mga non- essential establishments sa lungsod na napapaloob sa 4KM radius ng Bulkang Kanlaon. Ito’y kasunod ng phreatic eruption ng Bulkang Kanlaon kagabi, June 3. Nakasaad rin sa Executive Order no. 34 ni Mayor Cardenas na ang mga non-essential establishments na nasa city… Continue reading Canlaon City Mayor Cardenas, ipinag-utos ang agarang pagpapasara ng mga non- essential establishments sa lungsod

Kalidad ng tubig sa mga sinusuplayang customers ng Maynilad, balik normal na

Naayos na ang aberya sa kalidad ng tubig na sinusuplay ng water concessionaire na Maynilad sa ilang customers nito partikular sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Bacoor, at Imus na unang inabisuhang huwag munang inumin o gamiting panluto ang tubig mula sa gripo. Ayon sa Maynilad, lifted na ang una nitong abiso dahil balik na sa… Continue reading Kalidad ng tubig sa mga sinusuplayang customers ng Maynilad, balik normal na

DSWD, kumikilos na kasunod ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon

Nakatutok na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa sitwasyon sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Mt. Kanlaon, sa Negros Island kagabi. Agad na pinulong ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mga Regional Director ng kagawaran sa Visayas Region para sa response efforts sa mga residente sa Negros lalo’t itinaas na… Continue reading DSWD, kumikilos na kasunod ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon

Kontrobersyal na paglilipat ng pondo ng DOH sa PS-DBM, atas ng dating Pangulong Duterte — dating Health Secretary

Tahasang sinabi ni dating Health Secretary Francisco Duque III na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbigay direktiba sa kontrobersyal na paglilipat ng ₱47.6-bilyong halaga ng pondo pambili ng COVID-19 supplies mula Department of Health (DOH) patungo sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) noong 2020. Sa oversight hearing ng House Committee… Continue reading Kontrobersyal na paglilipat ng pondo ng DOH sa PS-DBM, atas ng dating Pangulong Duterte — dating Health Secretary

Mga mambabatas, ikinalugod ang pagsasabatas ng mas mataas na teaching supplies allowance para sa mga guro

Pinapurihan ng mga mambabatas ang paglagda ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kabalikat sa Pagtuturo Act na magbibigay ng permanente at mas mataas na teaching supplies allowance para sa mga guro. Ayon kay Batangas Representative Gerville Luistro, isa itong mahalagang hakbang hindi lang sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon kundi bilang pagsuporta din sa… Continue reading Mga mambabatas, ikinalugod ang pagsasabatas ng mas mataas na teaching supplies allowance para sa mga guro