Nasa 1,400 indibidwal, nananatili pa sa evacuation centers bunsod ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon

Mataas pa rin ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng pagputok ng Bulkang Kanlaon. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mayroon pang higit 300 pamilya o katumbas ng 1,400 indibidwal ang nananatili sa higit walong evacuation centers. Tuloy-tuloy pa rin naman ang relief efforts ng DSWD… Continue reading Nasa 1,400 indibidwal, nananatili pa sa evacuation centers bunsod ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon

NFA, magiikot sa ilang warehouse sa Bulacan

Magsasagawa ngayon ng pag-iinspeksyon ang National Food Authority (NFA) sa ilang warehouse sa Bulacan para tutukan ang nagpapatuloy na palay procurement. Pangungunahan ni NFA Administrator Larry Lacson at DA Undersecretary for Rice Industry Cris Morales ang inspeksyon sa ilang NFA warehouse kabilang ang sa Malipampang, San Ildefonso, Bulacan kung saan may mga magsasaka pang nagbebenta… Continue reading NFA, magiikot sa ilang warehouse sa Bulacan

Kongreso, patuloy na nakabantay laban sa mga hoarder ng bigas

Maliban sa mga polisiya at lehislasyon, magtutuloy-tuloy din ang pagbabantay ng Kongreso laban sa mga hoarders. Ito ang tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez nang matanong sa isang pulong-balitaan. Aniya, iikot at magsasagawa pa rin sila ng mga inspeksyon sa warehouse ng mga bigas upang matiyak na walang nag-iimbak at kung ano man ang suplay… Continue reading Kongreso, patuloy na nakabantay laban sa mga hoarder ng bigas

Pangulong Marcos Jr., pangungunahan ang pamamahagi ng titulo ng lupa para sa mga magsasaka sa Bicol

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. Conrado Estrella III, ang pamamahagi ng kabuuang 2,115 titulo ng lupa na saklaw ang 3,328.0973 ektarya ng lupang agrikultural sa Bicol ngayong araw, June 7, 2024 sa Fuerte Sports Complex, Provincial Capitol sa bayan ng Pili, Camarines Sur. Nasa 1,965… Continue reading Pangulong Marcos Jr., pangungunahan ang pamamahagi ng titulo ng lupa para sa mga magsasaka sa Bicol

Pangulong Marcos Jr., nakatakdang bumisita sa Albay ngayong araw

Kasado na ang lahat sa nakatakdang pagdating ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lalawigan ng Albay ngayong araw. Tampok sa pagbisita ng pangulo, ang pamamahagi ng tulong pinansiyal mula sa Office of the President sa mga  magsasaka, at mangingisdang  grabeng naapektuhan ng El Nino sa Bicol.  Ang programa sa lalawigan ng Albay, saklaw nito… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nakatakdang bumisita sa Albay ngayong araw

NEDA, di nakikitang lugi ang gobyerno na panatilihing mababa ang taripa sa mga agri-products sa ilalim ng Comprehensive Tariff Program 2024-2028

Hindi nakikitang kalugihan sa panig ng pamahalaan ang ginawang pag-aapruba sa Comprehensive Tariff Program 2024- 2028 na pinagtibay kahapon sa isinagawang National Economic and Development Authority (NEDA) Board Meeting sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay NEDA Chief Arsenio Balisacan, Hindi nila nakikitang loss o kawalan sa gobyerno ang panatilihing mababa ang… Continue reading NEDA, di nakikitang lugi ang gobyerno na panatilihing mababa ang taripa sa mga agri-products sa ilalim ng Comprehensive Tariff Program 2024-2028

PBBM, tiniyak na di pababayaan ng pamahalaan ang mga magsasaka, mangingisdang naapektuhan ng tagtuyot dulot ng El Niño

Hindi pababayaan ng gobyerno ang mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng matinding tagtuyot dulot na hatid ng El Niño. Pagtiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., magtutulungan ang local at national government upang maipaabot ng mabilis ang kailangang ayuda para sa mga naapektuhang mangingisda at magsasaka. Sandigan ng bayan ayon sa Pangulo ang mangingisda at… Continue reading PBBM, tiniyak na di pababayaan ng pamahalaan ang mga magsasaka, mangingisdang naapektuhan ng tagtuyot dulot ng El Niño

Sen. Koko Pimentel, di pabor sa suhestiyon na ideklarang nat’l security threat ang mga POGO

Hindi suportado ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang mga panawagan na ideklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na national security threat ang mga POGO. Ayon kay Pimentel, hindi na kailangang dumating pa sa ganitong punto at isangkot pa ang national security. Hindi na aniya kailangan pang gawing  kumplikado ang usapin sa POGO. Sa… Continue reading Sen. Koko Pimentel, di pabor sa suhestiyon na ideklarang nat’l security threat ang mga POGO

PHIVOLCS, pinag-iingat ang mga residente malapit sa Taal Volcano sa banta ng vog

Tumaas ang naobserbahang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) sa Taal Volcano sa nakalipas na 24-oras. Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, ay umakyat sa 11,072 tonelada ang sulfur dioxide (SO2) gas na ibinuga ng bulkan hanggang kaninang hatinggabi. Dahil dito, naiulat ang haze sa ilang lugar sa Batangas gaya ng Alitagtag, Tingloy, San… Continue reading PHIVOLCS, pinag-iingat ang mga residente malapit sa Taal Volcano sa banta ng vog

Warehouse na nag-display ng Chinese flag, ipinasara ng Valenzuela LGU dahil sa kawalan ng business permit

Iniutos ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang agarang pagpapasara sa isang warehouse sa lungsod dahil sa ilang violations. Unang napansin ang warehouse sa Brgy. Bignay nang mag-display ito ng Chinese flag sa kanilang estabilisimyento. Nang inspeksyunin naman ito ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), nadiskubre na isa sa mga kumpanyang nagrerenta sa warehouse compound… Continue reading Warehouse na nag-display ng Chinese flag, ipinasara ng Valenzuela LGU dahil sa kawalan ng business permit