Pride Festival sa QC, kasado na sa June 22

Handang-handa na ang Quezon City Local Government para sa muling pagdaraos sa lungsod ng Pride Festival bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month 2024. Kaugnay nito, pormal nang nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng lokal na pamahalaan at Pride PH para sa gaganaping Pride Festival sa darating na June 22. Dumalo sa… Continue reading Pride Festival sa QC, kasado na sa June 22

Panata sa Bagong Pilipinas, sabayang binigkas ng mga miyembro ng PNP

Sabay-sabay ding binigkas ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang panata sa Bagong Pilipinas alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito’y sa isinagawang flag raising ceremony ngayong araw sa Kampo Crame na pinangunahan ni Deputy Chief PNP for Administration, Police Lt. Gen. Emmanuel Peralta. Ayon kay PNP Public… Continue reading Panata sa Bagong Pilipinas, sabayang binigkas ng mga miyembro ng PNP

DSWD, tutulong para makasuhan ang barangay exec na tinapyasan ang ayuda ng isang buntis na benepisyaryo ng AICS

Iniutos na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa regional director ng DSWD Field Office 11 (Davao Region) na tumulong sa pagsasampa ng kaso laban sa isang opisyal ng barangay na umano’y tinapyasan ang ayuda na para sa isang buntis na humingi ng tulong sa ahensya. Nag-viral sa social media… Continue reading DSWD, tutulong para makasuhan ang barangay exec na tinapyasan ang ayuda ng isang buntis na benepisyaryo ng AICS

Malakihang rollback, inaasahan bukas

Magandang balita ang bubungad sa ating mga motorista bukas. Malakihang rollback kasi ang nagbabadya bukas sa mga presyo ng produktong petrolyo. Base sa inilabas na forecast ng kumpanyang Unioil nasa ₱1 hanggang ₱1.20 per liter ang nakaambang rollback sa presyo ng Diesel. Sa gasolina naman posibleng nasa ₱0.50 centavos hanggang ₱0.70 centavos per liter ang… Continue reading Malakihang rollback, inaasahan bukas

Iba’t ibang atraksyon para sa pagdiriwang ng Linggo ng Kalayaan, sinimulan nang buksan sa Lungsod ng Maynila

Matutunghayan na ng libre ng publiko ang iba’t ibang atraksyon sa Luneta Park at Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila bilang bahagi sa pagdiriwang ng Linggo ng Kalayaan ng Pilipinas. Simula ngayong araw ay mapapanood na ang Kalayaan Obstacle Course na nagtatampok sa Ninja Warriors o katapangan at katatagan ng mga Pilipino kung saan ito… Continue reading Iba’t ibang atraksyon para sa pagdiriwang ng Linggo ng Kalayaan, sinimulan nang buksan sa Lungsod ng Maynila

Malaking butas sa bahagi ng Marcos Highway sa Antipolo City, nakatakda nang sementuhan mamayang gabi

Pansamantala nang nadaraanan, partikular na ng mga maliliit na sasakyan, ang bahagi ng Marcos Highway sa Brgy. Sta. Cruz sa Antipolo City. Ito’y matapos mabutas ang naturang kalsada bunsod ng nasirang drainage culvert ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Nabatid na nagbara ang isang drainage sa ilalim at posibleng hindi nakadaloy ang tubig… Continue reading Malaking butas sa bahagi ng Marcos Highway sa Antipolo City, nakatakda nang sementuhan mamayang gabi

65 HEIs, kinilala bilang Most Innovativate Universities sa WURI rankings 2024 — CHED

Ipinagmalaki ng Commission on Higher Education (CHED) na mula sa 44 ay umakyat sa 65 ang bilang Higher Education Institutions (HEIs) sa bansa na pasok sa Top 300 Most Innovative Universities sa buong mundo base sa 2024 WURI rankings. Kabilang dito ang: Ayon kay CHED Secretary Popoy De Vera, mahalaga ang mga international ranking na… Continue reading 65 HEIs, kinilala bilang Most Innovativate Universities sa WURI rankings 2024 — CHED

Transport strike ng MANIBELA, di ramdam sa Philcoa

Naniniwala ang ilang jeepney driver sa bahagi ng Philcoa sa Quezon City na hindi gaanong makakaapekto sa mga pasahero ang ikinasang panibagong transport strike ng grupong MANIBELA simula ngayong araw. Ayon kay Mang Juanito, marami na kasi sa mga jeepney na bumibiyahe sa bahagi ng Philcoa ay mga naka-consolidate na. Dahil dito, hindi na sila… Continue reading Transport strike ng MANIBELA, di ramdam sa Philcoa

Malabon LGU, may 3 araw na Libreng Sakay para sa mga maaapektuhan ng panibagong transport strike

Tiniyak ng Malabon local government na walang maii-stranded na pasahero sa lungsod sa kabila ng ikakasang panibagong tatlong araw na tigil-pasada ng grupong Manibela. Sa abiso ng pamahalaang lungsod, naghanda na rin ito ng mga sasakyan na sasaklolo sa mga pasahero simula ngayong araw, June 10 hanggang Miyerkules, June 12. Simula alas-5 ng umaga ay… Continue reading Malabon LGU, may 3 araw na Libreng Sakay para sa mga maaapektuhan ng panibagong transport strike

Mga miyembro ng Filipino-Chinese Community, nagtipon-tipon sa Kartilya ng Katipunan sa Maynila para gunitain ang Filipino-Chinese Friendship Day kahapon

Nagsama-sama ang hindi bababa sa isang libong Filipino-Chinese para magsagawa ng Lakad Magkaibigan bilang pagdiriwang ng Filipino-Chinese Friendship Day. Ang mga ito ay nagtipon-tipon sa Kartilya ng Katipunan sa Maynila para ipakita ang matatag na pagkakaibigan ng mga Pilipino at Chinese. Sinabi ng ilang dumalo sa naturang pagtitipon, hindi sila apektado ng kasalukuyang girian ng… Continue reading Mga miyembro ng Filipino-Chinese Community, nagtipon-tipon sa Kartilya ng Katipunan sa Maynila para gunitain ang Filipino-Chinese Friendship Day kahapon